(via tueresmifelicidad)
That’s what you call a perfect dream.
Di pa nag-uumpisa second sem, kailangan ko na agad magreview.

Hello?!! Are you effin kidding me ?! Quiz?! Agad agad?! Di pa nga tayo nagkakakilala quiz na agad. Wala pa nga akong papel at ballpen quiz na agad ?! Huwaw huh! Ano yun? Mag-aaral ako dito sa bahay di pa nga ako pumapasok, talk about awkwaaaaaaard . Oh well vowel, I’m really looking forward to this sem! (Guys, kindly note the sarcasm).
Meanwhile… wala pa kong pasok.
Habang ang karamihan ay may pasok na, ako andito pa rin sa harap ng laptop, in-eenjoy ang huling araw ng aking sembreak. Ako nanaman naiwan mag-isa dito sa bahay. Isa sa mga signs na may pasok na nga talaga. It’s a good thing though, di pa ko ready pumasok. Wala pa nga ako allowance ee. Wala pa akong mga gamit like papers and pen. Wala pa kong COR. At higit sa lahat wala pa kong lakas ng loob harapin ang bagong sem ( Ansabbeeeh ?! ) Sa ngayon, nag iipon muna ko ng resolve at good vibes. Kailangan ma-enjoy ko tong sem na to, kahit sa itsura ng sitwasyon ko ngayon ay malabo na. Di ako magiging loner noh ? I can be friendly when I like to be. Di rin ako papaapekto sa mga taong kinaiinisan ko. (Although , ang hirap pigilan ng inis kung alam niyo lang ). Aa basta, another sem, another 5 months, another step. Let’s make it count :)
My fingers are BURNING like HELL!!
Grabe ang sakit ng kamay ko sobra. Mas masakit pa sa heartbreak (Chos! ) Kagabi pa to sumasakit, binabad ko na sa tubig, nag alcohol na ko wala pa din.
May pagkashungaers din kasi ako minsan ee. Naghimay kasi ako ng sili. Tinanggal ko yung buto. Nagluto kasi kami ng Shanghai Dynamite. Ito oh,

Aba?! Malay ko bang mahapdi pala yun. Kasi di naman siya kasing anghang ng siling labuyo. Tapos ako na talaga ang shunga, may naghihiwa ng sibuyas sa tabi ko, edi na-iiyak ako, pinunasan ko yung mata di pa ko naghuhugas, MYGAAAHD!!! ANG HAPDIIIIII!!! Para akong batang umiiyak nun. Buti na lang nawala agad yung hapdi ng mata ko. Tapos niluto nanamin yung shanghai dynamite.

Buti na lang masarap talaga siya. Worth it ang bawat hapdi. HAHA :))
November 6, 2012, is officially my doomsday.
Monday night tumawag yung friend ko tinatanong kung anong section ko, kasi may schedule na daw. Ako naman, dahil tinatamad na magbukas ng laptop, naki-epal muna sa kapatid ko, and then nung naglog in na ko, enrolled na nga kami, una ko talaga tinignan yung section ko. Wait, scratch that, yung section ko lang pala talaga tinignan ko.

Cons:
- Puro matatalino. Mababaliw ako nito
- Nahiwalay na ko sa mga friends ko
- Kasama ko pa yung taong iniiwasan ko
- Sabi niya, kami na lang daw lagi magkasama (Kill me now puhleease!)
- Wala naman ako close sa kanila
- Adjust adjust nanaman
Pros:
- Bragging rights
Last last night pa kami enrolled, pero ngayon ko lang talaga tinitigan yung schedule ko. At para sa mga hindi naintindihan yung schedule ko before, eto yung mas maayos

Cons:
- Puro kami 3 hrs ( Booooooring!)
- Walang masyadong break
- Ang aga ng pasok
- Ang aga ng pasok
- Ang aga ng pasok
Pros:
- Ang aga ng uwian
- Ang aga ng uwian
- Ang aga ng uwian
My Personal Best :)

So as promised ito na grades ko. Super late upload naman, pero better late than later(Andaw?) Target ko lang talaga 1.25 para pasok sa scholarship at the same time, di masyado mataas para malipat sa section 1. Pero ito kinalabasan. Di ko alam nangyari, mahal na mahal siguro kami ng prof namin kaya nag-adjust adjust din sila. Masaya ako dahil nakapasok ako sa full scholarship. Masaya ako dahil proud na proud sakin sila Ina at Ama. Masaya ako dahil ito ang best ko so far. At masaya ako dahil nagsurvive ako sa unang sem ko bilang BSA! YAY for me !!!
Gayunpaman, di ko pa rin maiiwasan mag-alala sa future ko (NAKS !) Hindi siya sumakto sa plano ko. At naiinis ako paghindi sumasakto mga plano ko. Shemarut ! Baka malipat ako (wow feeler?!) Kung di lang dahil dito, hindi naman ako ma-eexcite sa enrollment. Ayoko nga malipat ee, ang ganda ganda na ng buhay ko tapos ganun ganun lang (Drama?! CHE! ). Pero , think positive wag aayaw. :)
Saturday comes and still…

Way to go FEU IABF heads. Another disappointment . Stop with the false hopes already. Magseset ng date pero di rin naman nagagawa. Sasabihin expect expect, wala naman. Pwede naman nila sabihing “Don’t bother waiting folks, magbabakasyon muna kami bago kayo i-enroll. Expect your schedule on Nov. 5.” .Oh diba ? Edi sana ang dali ng usapan. Oh well, vowel, pagod na ko sa kaka-antay (Charaught! ) Bahala sila, check ko na lang ulit sa November.
In the meantime, manunuod muna ko ng Pretty Little Liars, Vampire Diaries at Once Upon A Time. YAY! YAY! YAY !
Bukas pa daw kami ie-enroll.
Out of town daw yung mga head in-charge sa enrollment. Sabi ng iba nasa Boracay daw nasa Conference Meeting. Weh? Sus! If I know…. Bakit kasi kailangan pang- resectioning kung di naman nila kayang ihandle. Bakit kasi kailangan pa ng resectioning?! Sabi kasi nila , magbayad lang daw kami sa enrollment at bibigyan na daw kami ng schedule? Morning of October 25 nagsipagbayaran na kami ng tuition fee and we were told na ma-eenroll na kami mamayang gabi. So that night, we wait and wait.. Pero nasan na ?! May update nanaman , sabi expect your schedule tomorrow morning. Then morning comes at wala pa din. Sabi nila bukas na daw kami i-eenroll. Srsly?! Why prolong ?
Bored. Still haven’t checked my schedule yet (assuming I’m already enrolled). My nephew’s using my laptop and I just can’t take it away from him. That would be bad since I’m the reason he used it in the first place.
Preview ng Walang Hanggan : Magkahawak yung duguang kamay then biglang bumitaw.
Ano yaaaaan? Walang hanggang pagmamahalan talaga. Srsly? Mamatay kaya talaga sila? Tama nga kaya lahat ng naiisip ko. Cliche man.
One of the best things that happened this sem : BLOCK SHIRT :)
Ang tagal ko ng pina-pangarap magkaroon ng block shirt na buong block talaga ang magsusuot. We tried nung 1st yr kaso, walang nakipagcooperate kaya naging block shirt for friends na lang. Thankfully this sem, meron kaming aktib-aktibang classmate na talagang gustong magkaroon ng block shirt. So nung in-announce niya yon, nag-agree naman kami. Ang dami naming designs pero lahat yun di pwede kasi masyadong maliit. Kaya gumawa ulit kami, hanggang sa naging ganito yung kinalabasan :
So nung na-print na siya into shirt :
(Sorry kung ako talaga model. Just focus on the shirt will ya’ )
At kung pinangatawanan niyo nga yung block shirt at buong block kayong nagsuot ng block shirt niya. Here’s how it looks : 
(Scratch that, di pala lahat naka block shirt due to some issues. )
So there, just a little note guys, di pa po yan nalalabhan at ang asim ng amoy ng pintura. Pero ganun talaga, walang arte arte pag eggzoiiiited !
I can’t help but post it.
iamthijei replied to your post: Sa bawat pictures na kitang kita ang kanilang saya…
Ramdam kita, Pretzel. Nararamdaman ko din yan minsan pag kasama mo cmates mo. :( Pero ayun nga, fair lang din naman pala. XD We’ll always be FCKYTJ, in minds and in hearts. ❤ :))) Asheshe! :D
awww Thijei. That’s so sweet. Pa-kiss . Charaught !
eniamrahs07 replied to your post: Sa bawat pictures na kitang kita ang kanilang saya…
hahaha natatawa ako sau B, nagdadrama ka na tlga ngayon aa. hahaha pektusan kita jan ee. hahahahaha chos! :P
Sa bawat pictures na kitang kita ang kanilang saya pero di ka kasama, Di mo maiwasan sabihin, Sheeeet ! Nakaka-inggit!. Actually, to say na na-iinggit ka is the understatement of the year. Nagseselos ka, na-mimiss mo sila at di mo matanggap na masaya sila kahit wala ka. Alam kong natatakot ka lang mag-isa. Natatakot kang mapag-iwanan. Ang arte mo! Pero ganun talaga, matuto kang mag-share. Itatak mo sa sarili mo na hindi sa’yo umiikot ang mundo nila. Part ka lang ng isang mosaic. Ganun ka rin naman diba? Masaya ka din naman sa piling ng iba. Kaya fair and reasonable lang. Wag kang mag-inarte oi. Ang drama mo.




